.

kung ako'y bibigyan ng isang pagkakataon
pipiliin kong bumalik sa ating kahapon
panahon na tayo'y nag tatawanan
kung san mga ngiti ang bukod tangin larawan

masasayang alala nais balikan
ngiti na ngayon ay hindi makamtan
pano ba makakalimutan
masayang alala na aking nakagisnan

landas na pipiliin kay hirap simulan
anong bukas ang nag hihintay sa pusong sugatan
kung ako ay mag isa na lang ngayon
mararating ko pa kaya ang kinabukasan

EX

bumabagal mga oras
na sa tuwing ikaw ang katabi
lungkot ko'y napapawi
ngiti dumadampi

sa sandaling ikaw ang nasaisip
pakiramdam ay nasa langit
kay sarap isipin
ikaw ay nsa aking piling

pero biglang naglaho
pag mamahal mo
biglang nag paalam
lumisan ng tuluyan

kay sakit isipin
na wala ka na sa akin piling
sandaling masaya
lungkot ang nadarama

alaala kay hirap limutin
sandaling wala ka na sa aking piling
ano b dapat ko gawin
para bumalik k sa aking piling

pero dapat ko na limutan
tulad mo na sinungaling
sakit na dulot
ng puso mong lapastangan

buhay ipagpapatuloy
para sa'yo patunayan
ang mga tulad mo sinungaling
ay hindi kawalan..