Bagong yugtong aking tatahakin
Hindi alam kung san dadahilin
Ngayon na wala ka sa aking piling
May bukas bang haharapin?
Pusong sugatan
Dahil sa aking pag lisan
Desisyon aking paninindigan
Upang walang ibang masaktan
Ngayon mga mata'y luhaan
Kaisipan ay nasa kawalan
Buhay na walang paroroonan
Ito ba'y aking malalampasan
Sa paglipas ng panahon
Mga ngiti ba'y masisilan
Kasiyahan ba'y aking makakamtan
Kung sa piling ko ikaw ay aking iniwan
Bukas na aking haharapin
Buong pusong tatangapin
Mag isang lalakbayin
Bagong yugto na ika'y wala sa akin...
Basta iyong katatandaan
Pusong ika'y minsang iniwan
Kailanman hindi ka makakalimutan
Pagkat ikaw parin ang iibigin
mag pakailanman.....

0 comments:
Post a Comment