demonyong naka ngiti

minsan na ako nasakatan
puso iniwan luhaan

sandaling kaligayahan
pinaikot ng kasinungalingan

sinayang ang panahon
sa iyo'y nakatuon

oras na nilaan
kalungkutan ang hinatnan

pilit kinakalimutan
nakalipas na panahon

sakripisong nilampasan
napunta sa kawalan

binigay na ngiti
luha ang sinukli

hindi ka masisisi
kung s'ya ang yong pinili

anong nagawang mali
upang ako'y iwan muli

pusong sawi
dahil sa demonyong naka ngiti

0 comments: